Nagsimula ang lahat sa isang kwarto. Mainit. Tanghali. Kakakain ko lang kaya masarap matulog. History namin nun. Habang nagta-time travel sa sinaunang panahon ang mga kaklase ko habang inoobserbahan nila ang lifestyle ni Confucius at kung kelan mabibilang mo pa ang mga tao sa Tsina nang hindi pa dadami sa mga tupa na binibilang mo bago matulog, nagta-time travel din ako. Kaso hindi kasama nila. Time travel hindi patungo sa nakaraang panahon kundi patungo sa ibang dimensyon. Dimensyon kung saan lahat ng mga imahe na nag-aaway at nagsisiksikan sa utak ko ay may sariling lugar.
Iba’t ibang pangyayari, hindi mabilang na mga ideya. Ganyan kagulo ang utak ko.
Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘ang kaso ng nawawalang test paper’
mga nakikiramay